Sabado, Hulyo 30, 2011

July 30,11

Maulan pa rin. Naalala ko nanaginip ako kagabi kasama ko daw si Prince William at si Kate Middleton, tapos parang nagfofootball sila, tapos may parada ganon, prusisyon. Tapos madami pang nangyari eh yun lng naalala ko :) Natulog kasi ako nun mga hapon, siguro mga alas-singko tapos nagising na ako mga ala-una. Tapos bumaba ako nag internet pag tingin ko wala nang online na kaklase ko, malamang anong oras na, tapos natulog ako mga alas-kwatro, tapos nagising ako mga 10 na. parang lagi na akong natutulog ng hapon tapos gigising ako ng madaling araw, parang habit ko na.

Nung hapon na pumunta na ako kila aphec, Birthday nung isang kaklase ko. Ang aga ko pumunta kila aphec, wala lng para may konti pang gala, kaso hindi na kami nakapag gala kasi sobrang ambon, kaya nag sound na lng kami ng malakas na malakas at nag-yaya pa ng makakasama sa Birthday Party :)Dalawa yung niyaya namin, sa kasamaang palad walang nakasama kahit isa. Ung isa nag tatae tapos yung isa inaatake ng Artelitis :) Kaya pumunta na kami sa Venue. Masaya, masayang masaya ang mga pangyayari, ang dami naming tao dun. Ang dami kong nakatawanan kahit yung iba hindi ko masyadong kaclose pero nakasama ko sila. Nagtataguan kami ng Tsinelas, ako ang Mastermind. Yung una kong tinago, sa likod ng painting. Nung naghahanap na yung may ari hindi na siya mapakali. kung saan saan niya hinahanappero hindi niya makita eh kitang kita na, halos kapag dadaan ka doon sa hallway makikita mo yun. Nung medyo gabi gabi na inilabas ko na yung tsinelas baka umiyak :)Nauuwe sa taguan ng cellphone at kwentuhan, kainan hanggang sa uwian. Masaya ang mga nangyari kinakantahan pa namin yung celebrant tapos nag memessage pa kami isa isa pa mike :) Nung pauwe na kmi hinatid kami nung nanay at tatay nung may birthday.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento