Biyernes, Hulyo 29, 2011

July 28,11

Ngayong araw na ito nakaassign ako na kumanta sa time namin sa Filipino. Hindi nmana ako masyadong kinakabahan kasi ang tagal ko nang alam na kakanta ako, sa katunayan dapat nga last week pa kami kakanta. Dumaan ang recess at lunch, at iyon na ang pinakaiintay kong oras. Nung nasa harapan na namin yung teacher ko, akala ko nakalimutan na niya. Tapos yun tinawag na niya kami isa isa, una yung isa ko pang kaklase kasi pangatlo na siyang late, sumunod si Elyssa kahit may pilay keri, tapos ako na. Nung nakatayo na ako sa gitna, hindi ko alam kung haharap ba ako sa mga kaklase ko o hindi, tapos sabi ng teacher ko haharap na daw ako. Nung una hindi ako makapag simula ang ingay kasi nila eh Haha. Tapos yun kumanta na ako. Hindi ko mapaliwanag kung pano ako nakakanta ng ganon pero basta nung mga sandaling iyon inisip ko na lng na kailangan ko na makakanta para matapos na ito. Pagkatapos nung kanta ko tuwang tuwa yung teacher ko, hindi daw niya inexpect Hahaha. ang sarap ng feeling, feeling ko kasi hindi na ako nahihiya sa madaming tao. :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento