Sabado, Hulyo 30, 2011

July 30,11

Maulan pa rin. Naalala ko nanaginip ako kagabi kasama ko daw si Prince William at si Kate Middleton, tapos parang nagfofootball sila, tapos may parada ganon, prusisyon. Tapos madami pang nangyari eh yun lng naalala ko :) Natulog kasi ako nun mga hapon, siguro mga alas-singko tapos nagising na ako mga ala-una. Tapos bumaba ako nag internet pag tingin ko wala nang online na kaklase ko, malamang anong oras na, tapos natulog ako mga alas-kwatro, tapos nagising ako mga 10 na. parang lagi na akong natutulog ng hapon tapos gigising ako ng madaling araw, parang habit ko na.

Nung hapon na pumunta na ako kila aphec, Birthday nung isang kaklase ko. Ang aga ko pumunta kila aphec, wala lng para may konti pang gala, kaso hindi na kami nakapag gala kasi sobrang ambon, kaya nag sound na lng kami ng malakas na malakas at nag-yaya pa ng makakasama sa Birthday Party :)Dalawa yung niyaya namin, sa kasamaang palad walang nakasama kahit isa. Ung isa nag tatae tapos yung isa inaatake ng Artelitis :) Kaya pumunta na kami sa Venue. Masaya, masayang masaya ang mga pangyayari, ang dami naming tao dun. Ang dami kong nakatawanan kahit yung iba hindi ko masyadong kaclose pero nakasama ko sila. Nagtataguan kami ng Tsinelas, ako ang Mastermind. Yung una kong tinago, sa likod ng painting. Nung naghahanap na yung may ari hindi na siya mapakali. kung saan saan niya hinahanappero hindi niya makita eh kitang kita na, halos kapag dadaan ka doon sa hallway makikita mo yun. Nung medyo gabi gabi na inilabas ko na yung tsinelas baka umiyak :)Nauuwe sa taguan ng cellphone at kwentuhan, kainan hanggang sa uwian. Masaya ang mga nangyari kinakantahan pa namin yung celebrant tapos nag memessage pa kami isa isa pa mike :) Nung pauwe na kmi hinatid kami nung nanay at tatay nung may birthday.

Biyernes, Hulyo 29, 2011

July 28,11

Ngayong araw na ito nakaassign ako na kumanta sa time namin sa Filipino. Hindi nmana ako masyadong kinakabahan kasi ang tagal ko nang alam na kakanta ako, sa katunayan dapat nga last week pa kami kakanta. Dumaan ang recess at lunch, at iyon na ang pinakaiintay kong oras. Nung nasa harapan na namin yung teacher ko, akala ko nakalimutan na niya. Tapos yun tinawag na niya kami isa isa, una yung isa ko pang kaklase kasi pangatlo na siyang late, sumunod si Elyssa kahit may pilay keri, tapos ako na. Nung nakatayo na ako sa gitna, hindi ko alam kung haharap ba ako sa mga kaklase ko o hindi, tapos sabi ng teacher ko haharap na daw ako. Nung una hindi ako makapag simula ang ingay kasi nila eh Haha. Tapos yun kumanta na ako. Hindi ko mapaliwanag kung pano ako nakakanta ng ganon pero basta nung mga sandaling iyon inisip ko na lng na kailangan ko na makakanta para matapos na ito. Pagkatapos nung kanta ko tuwang tuwa yung teacher ko, hindi daw niya inexpect Hahaha. ang sarap ng feeling, feeling ko kasi hindi na ako nahihiya sa madaming tao. :D

Huwebes, Hulyo 28, 2011

July 28,11

Normal lng ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Wala naman masyadong magandang nangyari. Maulan, nasa Pilipinas pa rin si Juaning, at habang papalabas n si Juaning papasok naman si Kabayan. Sabi ng Teacher ko kanina, ung exam daw namin thursday, friday at saturday. Iniisip ko bakit kailangan pang bawiin ang mga suspended na days? bakit kasalanan ba namin mga estudyante kung bakit nagkakaroonng bagyo ? Isa pang Hot topic sa classroom namin ay ang Incubus, sabi nung seatmate ko, may nag text daw sa nanay niya na kapag nag concert daw ndito ung Incubus, mayroon daw masamang mangyayari sa bansa natin. Ewan ko kung totoo to o hindi, pero sa tingin ko wala naman silang pruweba, usap-usapan lng trip trip lng ganon. Tapos nung TLE time na, nag tanong yung teacher ko. "Class what is aligi?". edi syempre sumagot ako, alam ko sa sarili ko na tama yung sagot ko, sabi ko, "aligi is the egg of the crab:. sabi ng teacher ko hindi daw hindi daw yun itlog ng crab, ewan ko kung ano yung sinbe niya pero basta ang alam ko mali yun. ang alam ko kasi talga ang aligi eh yung itloig ng crab, ewan ko sa kanya ha, hindi ko alam kung hindi ba siya kumakain nang alimasag o hindi, pero ang alam ko talga yun yon. Tinanong ko pa yun sa mga kaklase ko at sumangayaon kami sa isa`t isa, tandang tanda ko pa ng tinanong ko yun sa nanay ko kasi, mahilig kami kumain ng alimasag tapos lagi akong nakakakita ng aligi, ang sbe ng nanay ko itlog daw yun. Tapos yun hinayaan ko na lng eh kesa naman makipag away pa ako sa teacher :D

July 27,11

Maulan na araw. Suspended ang klasesignal number two daw, eh satingin ko nga eh hindi dumaan yung bagyo eh. Alas-onse na ako gumusing, tumingin ako sa bintana at medyo may ambon ambon pa rin. Sabi ko sa sarili ko hindi masyadong malakas ang ulan kaya mag gagala ako Hahaaha. Umalis ako mga ala-una at pumunta sa Calumpang kila Aphec. Nagkita kita na kme sa kalye pa lng. Napag isipan namin na pumunta kame sa pritil. Pumunta kmi sa pritil at humiwalay si Elyssa samin,kaya kami na lng pumunta nila Aphec at Juan.kausap ni Aphec si Elyssa habng naglalakad kami papunta sa sa pritil, maya maya medyo malapit na kami sa pritil, sinbe skin ni aphec na nasagasaan daw si Elyssa, nung una medyo hindi pa ako naniniwala, pero nung tumagal tagal na habng papunta na kami dun satindahan nila Elyssa sbe samin nung mga nakakita sa kanya, nasagasaan nga daw. Confirmed kaya nagmamadali na kaming pumunta sa bahay nila Juan at kumuha na siya ng pera at pumunta kami sa Ospital. Pag kakita namin kay Elyssa naka- wheel chair siya papunta na siya dun sa Ex-Ray room. pag katapos niyang magpa Ex-Ray umuwe na kami at napag isipan namin na kila Elyssa na lng kami tatambay. Pagdating namin kila Elyssa madaming sumalubong na sermon sa kanya, pagkatapos nun tinitognan ko ung paa niya, nakita ko magang maga nga talga, parng nagkaroon ng kanto yung paa niya parang Elephantiatis. Kumain kami ng spaghetti pagkatapos nun puro Chika Chika Chika ang nangyari smin, pamilya, pangarap pag ibig ang topic namin kanina. Pag katpos ng mahabng usapan nauwe kami lahat sa kantahan at nag away si Aphec at si Juan. Nung lumabas kami ang lakas ng ulan grabe, wala pa naman akong dlang payong kaya nagpahatid ako sa ate ni Elyssa.

Martes, Hulyo 26, 2011

July 26,11

Maulan ang araw na ito, sa katunayan may bagyo pala at ito ay nag ngangalng Juaning. Sobrang lakas ng ulan ng pumasok ako sa school. Ayoko sa lahat eh yung umagang umaga nababasa ako, ayoko talga minsan ng umuulan madalas kasi nababasa ako,kaliligo ko palng tapos maliligo nanaman?? at nasisira ang araw ko kapag nangyayari ang mga ganung bagay. Nang nakapasok na ako may nag text skin kung naramdaman ko daw ba ang lindol, nagulat ako at sinbe ko sa sa mga kaklase ko na limindol yata nung 8, at naalala ko na limindol nga pala nung ala una ng madaling araw, buti na lng na sandali lng ang paglindol at walang nasakatan. Kaarawan ng aki g Uncle ngayong araw na ito. Syempre naghanda sila ng mga pagkain para sa party. Dumating ang mga kamag-anak namin. Masaya ang mga pangyayari lalo na nung medyo mga bangag na yung mga tito ko. Hindi ako masayadong nagpapatagal kasama sila ang balak ko kasi nung hapon na yun ay matulog at ang alam ko ay may pasok, gabi na ng sinbe na walang pasok tska lng ako naki party sa kanila ng todo todo. Pagpunta ko dun karamihan sa kanila ay may tama na. Kinantahan nila si Uncle ng 5 beses ng Happy Birthday, iba ibang style ung iba imbento lng, masaya ang mga sandaling yun nagtatawanan ang lahat kasabay ng pagpapalakpakan. Mag aalas dose na ng matapos ang kasiyahan, sa huli ay ang tanging wish ko lng para sa Uncle ko ay magka asawa na siya at sana ay marami pang kaarawan ang dumating. Walang pasok bukas kaya parelax relax lng ako ngayon, kanselado na ang klase sa lahat ng antas. Sa tingin ko ay malakas ang bagyo, hindi ko alam kung anong aantayin ko bukas. Sana lng ay wag bumaha at sama hindi umapaw ang dagat.

Lunes, Hulyo 25, 2011

July 25,11

Ngayong araw na ito nag re-check kame ng mga exams at ang saya saya ko above average ung iba kung scores, ung iba 5 mistakes lng :) proud na proud?! :P Wala naman masyadong nangyari ngayong araw na ito, kanina lng nung pauwe na ako galing school may naka sabay akong mag-asawa, mag isa lng kasi ako noon, mas gusto ko kasi kapag ako lng mag-isa sa Jeep ang tahimik tapos feel na feel ko yung hangin. Hindi na sila bata medyo matanda na ang laki na ng tiyan nung asawa niya tapos yung babae ganun din ang taba pero ang sweet nila sa Jeep, matagal silang sumakay, nakaheadset ako nung mga oras na iyon. Tapos nung bababa na yung lalaki nag-kiss silang dalawa as in French kiss. Nagulat nga ako eh Sobra, hindi man lng sila na hiya na nandoon ako tapos nagkiss sila ng ganon. Pero sa tingin ko hindi naman masyadong masama yun ang sweet nga nila eh :D

Biyernes, Hulyo 22, 2011

July 22,11

Ngayong araw na ito nagpunta kami sa may pritil sa may Calumpang kasama si Aphec, Juan at Elayssa. and dami naming napagusapang magaganda grabe tungkol sa pag-ibig sa pamilya at sa lhat ng bagay tungkol sa buhay. Nakakatouch yung mga kwentuhan namin, yung mga saloobin yung mga ganon. Lahat yata ng mga kwento tungkol sa pag-ibig napagkwentuhan namin, nung medyo magdidilim na umalis na kame sa pritil kasi sobrang lamok na pinapapak na kami ng lamok, kaya umlis na kame dun pumunta na lng kame sa bahay nila Aphec at ipinagpatuloy ang kwentuhan. Kwento dyan kwento doon hanggang sa nag-gabi na nagtatakutan na kame kasi si Juan duwag :D takot siya sa dilim eh dun sa may eskenita palabas kila Aphec sobrang dilim ayun, tinatakot namin siya Hahahaha, nung pauwe na kame tumakbo ako kasama ko si Juan tapos si Elyssa naiwan doon mukang natakot yata.

Martes, Hulyo 19, 2011

July 19,11

Ang saya saya ko ngayong hapon na ito, pagbukas ko kasi ng facebook nakita ko na ina-accept ako nung americano kong kamag-anak hindi ko inexpect na i aacept niya ako. Kaya naman tinignan ko kaagad ang mga pictures niya at mga wall post. Ang saya saya ko nung mga sandaling yun feeling ko nasa California ako habang tinitignan ko yung mga pictures niya, tapos nangingiti ako dun sa mga comment sa status niya, grabe feeling ko talaga may window na ako sa ibang lugar dahil dun sa mga nakita ko, tapos bigla pang nagpatugtug yung kapit bahay namin ng "Super Bass" grabe sobrang nakaka goodvibes yung kantang yun kahit nung una ko pa lng yun narinig. Ang feeling ko kasi kapag pinapakinggan ko yun naglalakad ako sa streets ng New York grabe haaay :) Tapos may nabasa pa akong isang status niya ganto yun "Do you know what is the meaning of Swag"(basta ganyan yung term tapos may kasunod pa) "It is Something We Asians Got!" grabe nakaka-proud na ewan, kasi ang perception ko kapag nasa United States ka parang medyo na didiscriminate ang mga Filipino, pero mali pala ako :P Tapos nakaka tuwa mag basa nung mga nag eenglisan sa Comment ewan ko ba kung bakit siguro first time ko lng naka pagbasa nung ganon pero iba talga yung feeling ko, grabe enjoy na enjoy ako feeling nasa California na ako nung mga sandaling yoon! Grabe iba yung ngiti ko ngayong hapon na to isa na yata to sa pinaka masayang araw sa buong buhay ko, yung ngiti ko hanggang tenga, Goodvibes na Goodvibes :D

Lunes, Hulyo 18, 2011

July 17,11

Today we have our reunion together with my family at Manila. Nag reunion kame kasi dadating yung kamag-anak namin mula sa America. Nung umaga nag simba muna ako tapos kumain sa Jollibee tapos yun tumawag nanay ko aalis na daw sila iiwanan na daw nila ako. Kaya naman nag madali akong umuwe, nung nasa sakayan na ako ng Jeep walang Jeep siguro ang tagal ko na nag antay doon pero wala talga, kaya naman nag trycycle na lng ako. Nung una medsyo enjoy kasi nasa likod ako ng Jeep ang saya saya ang lakas ng hangin. tapos nung medyo lumayo layo na kami na bbwisit na ako dun sa Trycycle driver, pano sigaw ng sigaw, mura ng mura eh nasa Highway kame hindi man lng nahiya parang walang manners, grabe nag mamadali na nga ako tapos ang bagal pa nung Trycycle. Tapos yun nakarating na ako sa Barangay namin inaantay na ako ng mga nanay ko. Tapos yun nakarating na kami dun sa Venue sa bahay namin sa Manila, nagulat ako nung nakita o yung pinsan ko grabe, parang ang liit liit pa lang niya dati tapos ngayon sobrang laki na niya magkasing tangkad na yata kame tapos mas fit pa skin Hahaha. Ang tagal namin nandoon, sa totoo lng gustong gusto ko na umuwe nung mga 4 na kasi ang dami ko pang gagawin tapos naka-tanga lng kame doon. Hindi ko nakausap kahit isang sentence man lng ung mga Kamag anak na namin na galing sa America, sayang nga dahil gusto ko pa nman maka usap sila lalo na yung kaeded ko para man lang ma describe niya skin yung lugar don, pangarap ko talga makapunta don hay :( . Gusto ko rin siyang maka-usap para malaman ko kung ano ang klase ng buhay don sa America sa totoo lng gusto ko mag karoon ng kaibigan na taga doon sa mga Lugar na yon New York, San Francisco, California basta yung mga ganung lugar, malay mo siya ang maging way para mak punta ako dun.

Sabado, Hulyo 16, 2011

July 16,11

Ngayong araw na to nanuod kame ng Harry Potter. Nung nasa Megamall na kame nag kaligaw lugaw pa kme pareparehas namin hindi kabisado ang bawat sulok ng Megamall. Nang nakarating na kame sa Cinehan, blockbuster ang Palabas lahat yata ng Cinehan Harry Potter ang palabas. Kaya naman naisipan namin lumipat sa Shangrila. Nagkaligaw ligaw din kme dun Hahaha. Pero nung nakapila na kme may limapit samin na lalake. Tinanong niya kme kung manunuod kme ng Harry Potter, sbi namin oo tapos sbi niya "are you going to watch Harry Potter? If you want i can give you tickets" tapos yun nung una akala namin babayaran namin. Pero nung umalis na siya dun lng namin na realize na ang swerte pala namin. Pung ticket na binigay samin ay 300 dahil tatlo kme 900 lahat lahat ang nalibre namin.




 Nasa Cinehan na kme pero hindi parin kme makapaniwala. Tapos yun ang ganda ng Harry Potter grabe EPIC! sa huli namatay si Veldemort tapos nag kaaanak si Harry pati yung mga kaibigan niya, hindi ko na alam ung pangalan eh basta yun. Hanggang nasa Van na kme ang dami pa nmin nakitang school mates, tapos sa Van Party party kme inaasar namin yung mga katabi namin. Basta ang ingay namin sa Van ang goal kasi namin ay hindi matulog yung mga katabi namin :) :)

Biyernes, Hulyo 15, 2011

July 15,11

Ngayon ay nagkaroon kame ng Eleksyon sa school, at parte noon ay napili ako bilang maging watcher ng pagbibilang ng mga votes sa Library. Ang tahimik ng paligid, sa una akala mo wala lng pero nung tumagal tagal na, kagimbal gimbal na ang mga pangyayari.  Nung Medyo gitna na ng bilangan ng boto, lumabas muna ako sandali at nakipabalita dun sa mga candidates. Nung medyo patapos na ang daming invalid na mga boto, ung iba second year sila pero ang representative nila nasa fourth year, yung iba naman pinagmix mix ung mga pangalan, parang mga ano lng, hindi marunong sumunod sa instructions? 


Nung TLE na namin nag lutuan na ang bawat group at kakaiba ang labanan ngayon, pasunugan, patangahan ng luto Hahaha. Ang saya kahit yung ibang group hindi marunong magluto at least nabusog naman ako sa pinakain nila, dukut don dukut dito ganyan ang eksena ko kanina Hahaha.


Nanuod din kami ni Beki ng Cine, nung una ang balak talga namin panuorin ay Temtation Island pero nung nakita namin na walang Temptation island sa SM TAY TAY, nanuod na lng kame ng Adventures of Pureza, medyo baduy pero ok na rin. Tapos habang break pa ng Cine, nakarinig kame ng mga kumakalabog na sound at ang hula namin Harry Potter yun, kasi dalawa lng naman yung palabas nung Time na yun Harry Potter at yung Adventures of Pureza. Kaya naman naisipan kong pumasok sa Fire Exit Hahaha. Nagulat ako ng makita ko ang isa pang malaking screen at ng makita ko si Harry grabe, yung feeling ko nun na may halong kaba at excite. sinara ko na yung pinto at bumalik na ako kay Beki, sabi ko sa kanya pagkatapos namin manuod ng Adventures Of Pureza, dumaan na lng kame dun sa fire exit para maka libre kame ng Harry Potter tutal wala namang bantay. Pero hindi pa rin kame tumuloy kasi kinakabahan kame baka hindi na kame makabalik sa SM at maging wanted na kame doon. Natapos ang cine ng mag ni-nine na, kuamin pa kme sa foodcourt dahil nagugutom na kami ng bongga, SISIG ang napili namin kainin, pag kaupo na pagkaupo namin sa Table, nag patayan na ng ilaw sa SM TAY TAY. Natapos na akong kumain t si Beki ay kumakain pa rin, kaya nman naiispan niya na i take out na lng ang SISIG Hahahaha.

Martes, Hulyo 12, 2011

July 12,11

 Kanina ay nag cha-chat kme ng aking kaibigan, ang saya saya ng feeling kpag na ilalabas mo ang mga emotions mo. Ang cute ng conversation namin kasi, nagtatanungan kame kung ano ang ginawa namin kapag tahimik kme. Sabe ko sa kanya kapag tahimik ako, madlas nag iisip ako ng mga bagay bagay, mga plano ko sa buhay ko, kung kelan ba ako makakapunta sa New York at kung paano ako yayaman. Natuwa naman ako sa sinbe niya dahil sabe niya ang ginagwa daw niya kapag tahimik siya ay nag iimagine, inaalala niya ung mga nangyari sa nakaraan, yung mga kaibigan niya ganon. Tapos tinanong ko siya kung ano ang ini-imagine niya kapag tahimik siya, sbi niya skin, ang iniisip daw nioya ung nasa mall daw siya tapos tumitingin sa paligid ligid tapos nag wiwindow shopping ganon. Nakakatawa yung sagot niya, mahilg kasi siyang mag shopping Hahaha. tapos may sinabe pa siya, na kahit saan daw basta ang ini-imagine daw niya eh yung nag lalakad tapos malamig, ung tipong naka shorty shorts siya tapos ramdam na ramdam mo na yung lamig Hahaha. Grabe tawa ako ng tawa sa sagot niya. Sa kabuuan ng pinag usapan namin ay tungkol sa aming mga pagkatao, kung sino ba kme at kung ano ba ung gusto namin. yun lng :D

Lunes, Hulyo 11, 2011

July 11,11

Tama lng ang naging araw na ito para sa akin, ang aking guro na si Ms. Medenilla ay sobrang fave ko na! ang Hapiness niya kapag nag tuturo siya samin, feeling ko ay nag eenjoy ang buong klase, at feeling ko rin nman ay nag eenjoy din siya, ang saya saya noong time niya, lalo na nung nagkaroon kme ng activity tungkol sa Hilagang Amerika, ayon kasi sa description hugis triangle daw ang Hilagang Amerika, at feeling namin ay hindi nman, at natawa din siya noong nakita nia na mali pala ang nadala niyang Manila Paper, imbes na malaki ang Manila Paper, naging mahaba ito, kaya medyo natagalan kme sa pag ddrawing. Sa huli ay nag demo si Ms. Kremio tungkol sa paggawa ng Pork tocino, nakakaenjoy, hindi ko inexpect na ganon lng pala kadali ang paggawa ng Tocino hahahahahaha :D



    Ngayong araw din na ito ay birthday ng Lola, ko ang saya saya, kainan, kwentuhan, inuman at madami pang iba. Ang sarap sa pakiramdam makipag bonding ulit sa mga kamag anak ko, ang tagal tagal na naming hindi nag kikita simula nung pasukan. Yun nga lng natulog ako habang nag papartey sila, tapos nung medyo nag gabi na tinamad na rin ako kaya umuwe na lng din ako.

Lunes, Hulyo 4, 2011

Nakakapikon

Asar na asar ako ngayong gabi, kasi naman kanina habang kumakain kmi ng dinner, pinabile ako ni Mama ng RC, edi yon nkabile na ako tapos naubos na namin ung RC tapos nung isosoli na yung bote ako pa yung pinapag soli nila, asar na asar ako! Ako na nga ung bumile ako pa mag sosole? Puta nakakainis ano pang silbi nung mga katulong namin??. Ano yun props lng sa bahay namin?? Osa pang dahilan kung bakit ako naaasar ay dahil sa Internet at sa Nanay ko. Nag fafacebook kasi ako tapos may ka chat ako, maya maya dumating si Mama, umupo siya sa tabi ko, nanunuod eh medyo confidential pa naman yung pinaguusapan namin nung ka chat ko, kaya Nabwisit ako at umalis na lng sa Computer. Nakaka bad vibes talaga ang araw na to, may something talga na nakakainis ngayon! :(