Huwebes, Hulyo 28, 2011
July 28,11
Normal lng ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Wala naman masyadong magandang nangyari. Maulan, nasa Pilipinas pa rin si Juaning, at habang papalabas n si Juaning papasok naman si Kabayan. Sabi ng Teacher ko kanina, ung exam daw namin thursday, friday at saturday. Iniisip ko bakit kailangan pang bawiin ang mga suspended na days? bakit kasalanan ba namin mga estudyante kung bakit nagkakaroonng bagyo ? Isa pang Hot topic sa classroom namin ay ang Incubus, sabi nung seatmate ko, may nag text daw sa nanay niya na kapag nag concert daw ndito ung Incubus, mayroon daw masamang mangyayari sa bansa natin. Ewan ko kung totoo to o hindi, pero sa tingin ko wala naman silang pruweba, usap-usapan lng trip trip lng ganon. Tapos nung TLE time na, nag tanong yung teacher ko. "Class what is aligi?". edi syempre sumagot ako, alam ko sa sarili ko na tama yung sagot ko, sabi ko, "aligi is the egg of the crab:. sabi ng teacher ko hindi daw hindi daw yun itlog ng crab, ewan ko kung ano yung sinbe niya pero basta ang alam ko mali yun. ang alam ko kasi talga ang aligi eh yung itloig ng crab, ewan ko sa kanya ha, hindi ko alam kung hindi ba siya kumakain nang alimasag o hindi, pero ang alam ko talga yun yon. Tinanong ko pa yun sa mga kaklase ko at sumangayaon kami sa isa`t isa, tandang tanda ko pa ng tinanong ko yun sa nanay ko kasi, mahilig kami kumain ng alimasag tapos lagi akong nakakakita ng aligi, ang sbe ng nanay ko itlog daw yun. Tapos yun hinayaan ko na lng eh kesa naman makipag away pa ako sa teacher :D
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento