Martes, Hulyo 26, 2011
July 26,11
Maulan ang araw na ito, sa katunayan may bagyo pala at ito ay nag ngangalng Juaning. Sobrang lakas ng ulan ng pumasok ako sa school. Ayoko sa lahat eh yung umagang umaga nababasa ako, ayoko talga minsan ng umuulan madalas kasi nababasa ako,kaliligo ko palng tapos maliligo nanaman?? at nasisira ang araw ko kapag nangyayari ang mga ganung bagay. Nang nakapasok na ako may nag text skin kung naramdaman ko daw ba ang lindol, nagulat ako at sinbe ko sa sa mga kaklase ko na limindol yata nung 8, at naalala ko na limindol nga pala nung ala una ng madaling araw, buti na lng na sandali lng ang paglindol at walang nasakatan. Kaarawan ng aki g Uncle ngayong araw na ito. Syempre naghanda sila ng mga pagkain para sa party. Dumating ang mga kamag-anak namin. Masaya ang mga pangyayari lalo na nung medyo mga bangag na yung mga tito ko. Hindi ako masayadong nagpapatagal kasama sila ang balak ko kasi nung hapon na yun ay matulog at ang alam ko ay may pasok, gabi na ng sinbe na walang pasok tska lng ako naki party sa kanila ng todo todo. Pagpunta ko dun karamihan sa kanila ay may tama na. Kinantahan nila si Uncle ng 5 beses ng Happy Birthday, iba ibang style ung iba imbento lng, masaya ang mga sandaling yun nagtatawanan ang lahat kasabay ng pagpapalakpakan. Mag aalas dose na ng matapos ang kasiyahan, sa huli ay ang tanging wish ko lng para sa Uncle ko ay magka asawa na siya at sana ay marami pang kaarawan ang dumating. Walang pasok bukas kaya parelax relax lng ako ngayon, kanselado na ang klase sa lahat ng antas. Sa tingin ko ay malakas ang bagyo, hindi ko alam kung anong aantayin ko bukas. Sana lng ay wag bumaha at sama hindi umapaw ang dagat.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento