Biyernes, Hulyo 15, 2011

July 15,11

Ngayon ay nagkaroon kame ng Eleksyon sa school, at parte noon ay napili ako bilang maging watcher ng pagbibilang ng mga votes sa Library. Ang tahimik ng paligid, sa una akala mo wala lng pero nung tumagal tagal na, kagimbal gimbal na ang mga pangyayari.  Nung Medyo gitna na ng bilangan ng boto, lumabas muna ako sandali at nakipabalita dun sa mga candidates. Nung medyo patapos na ang daming invalid na mga boto, ung iba second year sila pero ang representative nila nasa fourth year, yung iba naman pinagmix mix ung mga pangalan, parang mga ano lng, hindi marunong sumunod sa instructions? 


Nung TLE na namin nag lutuan na ang bawat group at kakaiba ang labanan ngayon, pasunugan, patangahan ng luto Hahaha. Ang saya kahit yung ibang group hindi marunong magluto at least nabusog naman ako sa pinakain nila, dukut don dukut dito ganyan ang eksena ko kanina Hahaha.


Nanuod din kami ni Beki ng Cine, nung una ang balak talga namin panuorin ay Temtation Island pero nung nakita namin na walang Temptation island sa SM TAY TAY, nanuod na lng kame ng Adventures of Pureza, medyo baduy pero ok na rin. Tapos habang break pa ng Cine, nakarinig kame ng mga kumakalabog na sound at ang hula namin Harry Potter yun, kasi dalawa lng naman yung palabas nung Time na yun Harry Potter at yung Adventures of Pureza. Kaya naman naisipan kong pumasok sa Fire Exit Hahaha. Nagulat ako ng makita ko ang isa pang malaking screen at ng makita ko si Harry grabe, yung feeling ko nun na may halong kaba at excite. sinara ko na yung pinto at bumalik na ako kay Beki, sabi ko sa kanya pagkatapos namin manuod ng Adventures Of Pureza, dumaan na lng kame dun sa fire exit para maka libre kame ng Harry Potter tutal wala namang bantay. Pero hindi pa rin kame tumuloy kasi kinakabahan kame baka hindi na kame makabalik sa SM at maging wanted na kame doon. Natapos ang cine ng mag ni-nine na, kuamin pa kme sa foodcourt dahil nagugutom na kami ng bongga, SISIG ang napili namin kainin, pag kaupo na pagkaupo namin sa Table, nag patayan na ng ilaw sa SM TAY TAY. Natapos na akong kumain t si Beki ay kumakain pa rin, kaya nman naiispan niya na i take out na lng ang SISIG Hahahaha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento