Sabado, Agosto 20, 2011

Para sa BB Torch

Kailangan ko na talagang patunayan sa sarili ko na kapag may gusto tayo kayang kaya natin itong makuha basta ay may tyiaga at pagpupursige tayo. Magiipon ako ng pera dahil gustong gusto ko ng Blackberry Torch. Sa unang unang tatlong buwan ng pasukan nakaka 1500 na ako, sa tingin ko ay malaki laking bagay na rin to. Pero kailangan ko pa ring magipon ng mag ipon. At syempre kaakibat nito ang mga sakripisyong gagawin ko, hindi na ako mag lulunch araw araw, maglalakad na ako pababa at pakyat papunta sa bahay at papunta sa school. At kung minsan din ay hindi na ako magbabayad ng pamasahe sa jeep kung kering keri ko naman mag 123. Ang kailangan na magastos ko lng sa isang araw ay ang pamasahe. Kailangan ko ng simulan mas maaga mas maganda, Ahahahaha!! Nararamdaman ko na ang tagumpay konting tiis tiis na lng at makukuha ko din ang gusto ko. Ang goal ko eh ay sa birthday ko dapat makapag pabile na ako, kailangan makaipon ako kahit 10,000 ung natira ipapabayad ko na lng sa nanay at tatay ko tutal birthday ko naman, tapos sasabihin ko na rin ay x-mas gift para sama sama na. Tingin ko kaya ko naman to, tsaka kapag hindi ako kumain ng lunch araw araw papayat pa ako, sa umaga na lng ako kakain ng marami para hindi ako malipasan ng gutom, tapos tuwing recess manghihingi na lng ako ng mga crakers sa mga kaklase ko, kebs lng mga friendly naman sila. Masyado akong pursigedong makabile ng Balckberry kailangan ko na talaga mag ipon. At sa pagiipon kailangan ng tamang pag paplano.

150 : baon ko
-16 : pamasahe papunta at pauwe
134 : estimate lng yan depende pa
Kung may requirement na
kailangang bilhin.

Kung 55 days bago ang birthday ko, lalabas ay 7500 (estimate lng) Mmmm
Masyado pang maliit, pero sa tingin ko sa oras na binigay ko yan sa nanay ko, maa-amaze siya sa talento kong maka pagipon ng ganoong kalaking pera, kaya malamang sa malamang ibibili na niya talaga ako. Kung hindi umubra, may mga naiatabi pa naman akong mga barya ng limang piso at mga piso. Matagal tagal ko na ring iniipon iyon . okaya ay magtitinda na lng ulit ako ng kahit ano. Basta kailangan makarami na ako ngayon.

Naalala ko yung kuya ko din nagiipon ng pera dahil may ipapabile siya, at nakakarami na siya kasi mas malaki at baon niya tsaka naglalakad lng siya papuntang school. Yung mga unang buwan ng pasukan medyo tamad pa akong magipon eh kaya konti lng ang nasave ko, kaya ngayon talaga bobonggahan ko na TODO na to!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento