Miyerkules, Agosto 24, 2011

Aug 23,11

Nagising ako mga 6:00 na at natulog ako mga 6:00 din, dun ko napagtanto na ang tagal ko pa lng natulog. Mabilis akong kumilos at nagluto ng aking babaunin, mga 6:30 na ako nakaalis sa aming tahanan, nakarating ako sa school ng mga 7:10 na, late ako. Tanging ang aking guto na lamang na paakyat na sa aming silid ang aking nadatnan. Sa classroom sinabi niya na may bago na kaming guro sa filipino kasabay nun ang pagdating ng aming bagong kamag-aral. Umalis ang aming adviser at nagaantay na kami sa bagong guro. Mag kahalong kaba at pananabik ang aking naramdaman, at sa wakas dumating narin siya, medyo nakakatawa ang kanyang pagbati. Sa una ay akala ko siya ay strikto ngunit napagtanto ko na magaling pala siya, sa una palang alam mo na. At isa pang bagay na napansin ko ay madami siyang alam tungkol sa buhay ng tao, sa tingin ko madami akong natututunan sa kanya tungkol sa aspeto ng buhay. Pagkatapos noon ay isang boung araw ng pagtaalakay ng kung ano anong bagay na wala namang pakinabang sa totoong buhay. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento