Sabado, Agosto 20, 2011
Aug 20,11 Fiesta
ViVa San Bernardo, fiesta ngayon sa aming barangay tapos may pasok pa kami. Pag kagaling sa school dumeretso kami ni Aphec sa bahay namin, kumain usap usap tapos pumunta na rin kami kila aphec. Grabe ang saya namin kila Beki kahit atlo lng kami, ang dami naming trip. Nag baliwbaliwan kami. Tapos nung papunta na yung iba ko pang mga kaibigan nag isip kami ng prank. Kunwari naaksidente ako tapos nakahiga ako dun sa kwarto ni Beki. May sounds pa at kandila para talagang makatotohanan. Dumating na sila, nung nakita nila ako tumawa sila kaya hindi ko na rin napigilan ang aking sarili at sumabog na ako at tumawa. Kain kain hit and run ang nangyari dun sa ibang schoolmate ko. Mga 4 pumunta na kami ni Beki sa 1489 kasi Birthday ng ni Juan. Wala akong dalang damit, twalya, sabon at shampoo, pero naligo pa rin ako. Kung ano yung suot ko nung pumunta dun iyun din yung pinanguwi ko. Birthday din ng kuya ko kaya umuwi na ako agad, pagdating ko samin andun ung mga kaklase ng kuya ko ng highschool kaya nakisaya ako sa kanila. Andun din yung mga kamag-anak ko kaya nakisaya din ako sa kanila. Mga 1 na natapos yung party ang saya kahit nakakapagod :@
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento