Miyerkules, Agosto 24, 2011

Aug 24,11 Tunog tunog tunog

Nagsimula ang araw na ito sa pag gising ko. Pag gising ko ay nagluto na ako ng aking babaunin para bukas at naligo na at nag bihis at umalis na. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep may nakasalubong akong trycycle driver at sunabi niya skin ay "hoy!! Kapag hindi mo binayaran yung utang mo ipapabarangay kita!!". Kinabahan ako at dun ko din naalala na may utang pala ako dun sa trycycle driver na iyon naglakad na lang ako at umalis na rin siya. Hanggang sa skwelahan ay ang eksenang iyon ang laman ng utak ko. Isa nanamang araw na puro discussion. Pagadating ng 3:00 ay ang subject ni Ms.Gremio. Sa una ay medyo tahimik pa ang klase ngunit nung medyo tumagal na ay may biglang gumawa ng tunog na parang babaeng bata na umiiyak. Nagtataka na ang lahat at hinahanap kung sino nga ba ang taong iyon, pati ang teacher ko ay nagagalit na din. Hindi ko maintindihan kung nattakot ba siya o ano pero sinabe niya na kapag walang umamin ay zero kami lahat sa oral exam. Hanggang sa nag-time na ay wala pa ring umaamin. Ayon zero kami lahat sa oral, ang kutob ko naman ay iyun yung bago naming kaklase, kasi kapag may ganoong tunog ay nakatungo lng siya at sa unahan nanggagaling ang tunog. Nung uwian na ay nanuod ako ng recital ng iba pang 3rd year. Pag uwe ko ay binuksan ko agad ang computer at sinimulan ko ng gawin yung project namin sa Filipino. Inabot ako ng ilang Oras sa project na to mga 10:00 na yata ako natapos, tapos natulog na ako  ng mahimbing :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento